Install this theme

Maliban sa Katamaran, isa sa pinakamahirap kalaban sa pag-aaral ang SAKIT.

Kahit gustuhin mo mag-aral, bumibigay yung katawan mo. Hindi mo naman magawang ubusin ang energy sa pag-aaral kasi baka lalong bumigay katawan mo. Sabihin nating may lagnat ka, pwede ka pa magbasa kasi mata naman ginagamit dun at utak. Pero kung lagnat+sakit ng ulo o lagnat+masakit na mata, wala na. Sabog na. Talo ka na. Lalo pa kung ang sakit mo, chicken pox. WOW diba? Pano ka makakapagbasa kung nangangati ka, inaapoy ng lagnat, at parang binibiyak ulo mo sa sakit?

Lahat yan naranasan ko. Malas no? Hindi ko alam kung ayaw talaga ako pag-aralin o tadhana na ang nagsasabing, “hindi muna ngayon”. LOL. Sabi nung college secretary namin sa PLM na nagbalita din na dismissed na ako, wag ko daw isisi sa chicken pox. Haha. Sa ngayon, siya parin sisisihin ko hangga’t hindi ako nakakahanap ng magandang dahilan.

Third year na dapat ako. Nadelay na ako ng isang taon. Salamat sa mga sakit na to. Mamamaster ko na ata ‘tong mga subject na ‘to. O baka hindi din? Haha.

Gusto ko grumaduate sa 2015. Utang na loob.