Magtatatlong taon na mula nung huling birthday ko na kasama si Rox. May regalo sya sakin nun. Crinkles. Wala daw sya pera nun. Pero hindi lang food yung laman nun. Bawat crinkles nilagyan niya ng sulat. “6 things I know about Hannah”


Hanggang ngayon tinago ko yung mga papel na sinulatan nya. Kahit manti-mantika na yun dahil sa chocolate. Hahahaha.
It’s my time to return that gift. :)
7 THINGS I MISS ABOUT ROX
I miss…
1. Her TEETH and its ACCESSORIES



It may sound funny, but I do miss it. Yung ngipin nya na pag ngumiti, labas lahat. Yung hirap sya itago yung ngipin nya lalo pag tawang-tawa sya. Yung braces nya na mula elementary nandun na. Nagdalaga na din kasabay nya. Yung time na yung bakal na square nalang naiwan sa ngipin nya kasi hindi pa sya nakakabalik sa dentist dahil wala syang pera. Yung time na sumabit yung braces nya sa throwpillow nina She at nagkaron ng “run” yung tela. Yung pustahan namin na dapat matanggal na yung braces nya bago mag grad pictorial. Yung retainer nya na kung saan-saan nya lang pinapatong at nilalagay (plastic ng NBS, plastic na cellophane, or sa dining table namin). Yung mga rubber ng braces nya na nakikita kong hirap na hirap syang ipasok sa mga ngipin nya. Haha. Pati ang pagkagat nya sakin out of nowhere. Yung tipong ramdam ko yung mga bakal sa braso ko. HAHAHAHA
2. Her CLOTHES, HAIR and MAKE-UP



Oo. Kahit dapat casual lang suot, iba talaga dating pag si Rox nagsuot. Haha. Tipong kahit pupunta lang ng SM Manila, parang velvet yung tela ng top nya. Yung pantalon nya na white na butas-butas. Yung boots nya na hiniram lang pala kay ate Charms. Mga damit nya na karamihan kinuha lang din sa cabinet ni ate Charms. Yung eyeliner nya na hindi pwedeng wala at kahit sa LRT naglalagay sya. Yung buhok nya, maparebonded, kulot, mahaba o maiksi. She can pull off any hairstyle. Dagdagan pa natin ng paminsang pagsulpot ng mga “hopia factory” Hihi. At sya ang inspirasyon ko sa aking bangs. Hahaha
3. Her DRAWING AND LETTERS.
Kahit wala syang pagkokopyahan, nakakapagdrawing sya out of imagination lang. Yung mga sinulat nya na sobrang lalalimĀ na tipong kelangan pa ng isang major event para lang maabsorb ko talaga yung message. Siguro kung andito pa sya, may tumblr din yun at panigurado, magiging tumblr famous sya. :)
4. Her VOICE
Maliit. Mahina. Malambing. Kaya kelangan titingnan ko kung sino ang tumatawag. Kasi nung isang beses na hindi ko tiningnan at sinagot ko lang agad, nagulat ako sabay tingin kung sino tumatawag. Kaboses nya. “HANNAH!” Si ate Charms pala. Yung pagkanta nya ng Time after Time. Yung pagtawag nya samin ng pasigaw pero mahina at malambing parin yung dating, sabay hug pag nagkita. Yung pagtawa nya ng “wuahahahahahaha” with emphasis on the “WUA”.
5. Her STORIES and DREAMS
Halos lahat ng tao, kaibigan ni Rox. At kapag naging kaibigan mo siya. LAHAT IKUKWENTO NYA SAYO. Buong buhay nya. Pamilya. Kaibigan. Lovelife. Pangarap. Lahat. Kaya nya ikwento sa isang upuan yun. At kapag nagkukuwento sya sayo, yung tipong feeling mo magkakilala kayo ng kinukwento nya (kahit hindi naman talaga). May mga kinukuwento nga syang tao sakin na nakilala ko lang nung nawala na sya. Tipong, “aahh. ikaw pala yung kinukwento ni Rox”. Ang dami nyang groups of friends. Ang dami nyang bestfriend, milabs, love, mahal, bhe, bhie, at kung ano-ano pang tawag, depende sa tao. Hindi mo makikitang loner si Rox. Kahit saan sya ilagay na environment, magbblend sya at gagawa sya ng maraming kaibigan.
6. Her VAIN SHOTS and POSES







Siguro kung nagkaron pa sya ng maraming time magupload, mas marami pa yung album nya sa fb. Haha. Pati ako nahawa sa vanity nya nung nagpunta kami ng Alabang para kunin yung mga daga. Nakakahiya kina tita nung nakita ko na hawak nila yung camera. HAHAHAHA. Walang makakatalo sa mga pose ni Rox. Nagiisa lang.
7. HER

Need I say more?
Dinalaw ko sya kahapon. Kasama ko si Leng at Jia. Nung papunta palang, nagiisip na ako kung pano maiiba ang birthday na ‘to . Kaso wala talaga ako maisip. Haha. Basta bumaba ako sa blumentritt, dumaan sa Goldilocks, at tumingin ng cake. Seryoso tumingin ako ng cake. Pero ang ending, kandilang pink lang nabili ko. Hahahahaha.


Kitang kita kung gano kasaya si Jia oh. :D

Ginigil na kita sa bata kasi alam ko na panggigigilan mo sya kung andito ka pa. :)
Miss na miss ka na namin. Alam ko na alam mo yan. :-*
HAPPY BIRTHDAY ROX!
I love love love love love love love you!