Dahil kahapon marami akong nakausap na nagsasabi nanaman na magkakaron na ako ng PAG IBIG, napanaginipan ko yun. Hahahahaha
Dahil sobrang tinatamad ako magsulat sa papel, dito nalang. Haha
Unang part.
Hindi ko na babanggitin yung kung sino yung tao. Pero sinundo nya ako (galing ata ako school) tapos sabay hawak sa bewang.
Second part
Ang involved na tao, classmate ko nitong med. Oo na. Crush ko. Haha. Anyway, tatlo sila ng brods nya, tapos tatlo din kaming girls na magkakasama. May dala syang gitara, yung dalawa, flowers at bear. Umatras ako agad kasi awkward. Nagulat nalang ako nung kumanta sila tapos binigay yung flowers sa isang kasama ko na girl. At dahil mas awkward, lumayo ulit ako. Mas nagulat ako nung sinundan ako ni crush at inabot yung bear at kinantahan ako. Sa mall ang setting so you could just imagine yung commotion. Nahihiya ako na kinikilig. LOL.
Tapos nagising na ako. Sabi ko sa sarili ko, panaginip lang yun. Nagulat ako nung pagtingin ko sa kaliwa ko, andun yung bear. At lalo ako kinilig. Hahahahhaha.
Tapos totoong nagising na ako…ng TOTOO. At narealize kong talagang panaginip lang. Para akong nanaginip ng panaginip. Labo no?
Magkaibang tao ang involved sa panaginip ko. Pero kasi, sa tuwing mananaginip ako ng ganito, hindi nagkakatotoo to. Haha.
Sa tingin ko nga, yung mga panaginip ang nagpupuno sa kung anong gusto natin. Our deepest desires. Everything. Sa totoo lang gusto ko lahat ng napanaginipan ko. Yung sinundo. Even the surprise. Pero pag nanaginip talaga ako, laging kabaliktaran ang nangyayari. Worse, hindi nangyayari. Hahahaha. Oh well.