Eto ang status ko ngayon sa fb:
At dahil merong tinuturuan sa TV magbike, bigla ko naisip, HINDI PA PALA AKO MARUNONG MAGBIKE.
Masaya yung flow ng usapan. Nang biglang magcomment si Maine tungkol sa pag-angkas sa bike.
Nalungkot lang ako bigla at naalala ko lahat nung nasa Tondo kami. Ako, si Leng, Tata, at Rox. Alam ko bike ni Rox yung isa sa gamit. Pinalagyan pa namin ng hangin yun nung araw na yun. At dahil hindi ako marunong magbike, angkas lang ako. At kahit nagrorotate yung angkas, madalas, kay Rox ako naka-angkas.
Bigla ko lang namiss. :(