Limang taon na akong PEXer (PinoyExchange.com). Oo. Nahilig ako sa forums nung 2009 palang. Highschool palang ako. Hahaha. This year, bumalik ako at binuksan ko inbox ko. Nakakatuwa na nakita ko to.
Message received January 9, 2009. 11:46pm

Sana nababasa nyo, basta alternate usapan nyan. From top, sya ang una, then ako. Siya si zero12. Isa ring PEXer at nagulat ako nang bigla syang nagmessage sakin ng ganyan. At nakakatuwa din isipin yung mga sinabi ko sakanya dati,
“So, nasa med school ka na pala. seems like you don’t like it. if you’re not enjoying it, then stop doing it. kasi you would just waste your time, money and effort. but before deciding, PRAY. He listens.
just my two cents
Nakakatuwa kasi yung advice ko sakanya, dapat pala iapply ko din sa sarili ko. Lalo ngayon. Haha.
At nung January 27, 2009. Nagsend ulit sya ng message.

Malabo parin ba yung pic? hahaha.
Pero ang gusto ko lang siguro, makausap tong tao na to ulit. After 3 years, nasaan na kaya sya? Alam ko hindi sya sa Pilipinas nagmemed. Pero tinapos nya kaya pagmemed nya? Doktor na kaya sya ngayon? Undergrad palang ako nung last ko syang nakausap sa PEX. Sabi ni Kuya P (Isang pexer din), last year pa ang last post nya. Ayoko naman magpakastalker at hagilapin sya sa buong PEX. Haha.
Natatakot at nahihiya din ako imessage sya ulit para lang tanungin. Pero malay mo makita nya tong post na to. Haha. I’m taking chances here. :)
Hello zero12! Message mo lang ulit ako dito o sa PEX. :D
By the way, ako si _kulit_ :)