Bago ako magumpisa mag-aral sa Pharma. Kelangan ko muna magpost. Tatlong linggong magkakasunod. Araw-araw may exam. Linggo lang ang pahinga. Wala na akong time ulit. :(
Nadurog lang nanaman puso ko kanina. Dumalaw ako kay Aya. Nakita ko na lumaki talaga yung ulo nya. Oo, lumaki at bumigat siya, pero iba yung laki ng ulo nya. Sa tatlong linggo din ng exams ko, dun sya gagamutin. After 1 week, tatanggalin yung isang shunt. May colony na daw kasi. Tapos after 1 week ulit, ilalagay na yung bagong dalawang shunt. Halos 2 months nanaman yun. Six months na sya sa March 6. Pero sa 6 months na yun. Almost 4 months ang nasa ospital sya.
Hindi ko na din alam kung pano namin kinakaya yung araw-araw—emotional, physical, financial. God really provides. Thank you po.
Continue to fight little warrior. Maglalaro pa kayo ni Kuya Zoe at Jia. :)