Install this theme

Sya ang dahilan kung bakit ako nahilig sa SCIENCE at RESEARCH. Kung bakit sobrang naiintindihan ko ang Pythagorean Theorem. Kung bakit ko nagustuhan ang PHYSICS. At kung bakit naging MASAYA ang highschool namin. 

Isa syang INSPIRASYON sa lahat ng naging estudyante nya. Kaya kahit ilang henerasyon na ang dumaan sakanya, lahat mahal at pinahahalagahan siya. He teaches beyond the four corners of the room. He taught us lessons that are not written in books. Hindi man ako naging sobrang close sayo, kapag nakikita mo naman ako, sapat na sa akin yung sinasabi mo na 

“Nakangiti ka nanaman. Bakit ba lagi kang nakangiti?”

At para sayo, lagi akong ngingiti. :)

Nagkakamali din ang mga doktor. There are some things that even science can’t explain. 

Pagaling ka Sir. Marami pang estudyante ang mabibigyan mo nginspirasyon. 

 
  1. aixyboo said: awww.
  2. tobeli posted this