Nung Thursday lang, nakatanggap ako ng text sa ate ko. Kelangan nanaman namin ng Php150,000. ASAP. Lalagyan ulit ng shunt si Aya. Nung una, nilagyan ng dalawa. Nagkainfection yung isa kaya inalis. Tapos ngayon lalagyan ulit kasi lumalaki nanaman daw yung ulo nya. For a 5 month old baby toundergo three life-threatening surgeries in just a span of four months is too much. Oo. Dumating ako sa point na tinanong ko si God. Bakit? Pero kagabi, nakakuha ako ng sagot.
Umuwi papa ko ng 11pm na. Kagabi palang kasi namomroblema na kami sa pera. Kahit si Tata nagiisip na din ng paraan. Saan namin kukunin yun? Tumataya kami sa lotto, pero hindi nananalo. Yan ang laging hiling ko. “Lord, sana manalo kami sa lotto para may pampagamot na si Aya”
Pero kagabi, may pinakita sakin si papa na plastic. Pera. Php100,000 daw yun. Tinanong ko kung saan galing. Pinahiram daw sya ng boss nya (family friend).
God really works in mysterious ways. He gives us what we NEED and not what we WANT. :)
Lord, SALAMAT sa mga taong laging nandyan para tulungan kami. We can’t do this on our own. Salamat sa mga taong nasa paligid namin.