“Some call it Valentine’s Day. I call it TUESDAY”
Status yan ng isang college friend. Funny kasi ang daming nagpopost tungkol sa araw ng mga puso. Nakikigaya nga ba ako? Haha. Well, in some way, oo. But why do people make a big fuzz over “that” day?
Well, para sa mga may “syota”/minamahal/partner/whatever-you-want-to-call-it, kilig kilig. Para sa wala, (insert cricket sound). Saan nga ba ako dun? Well, dun ako sa may cricket sound. Samahan mo pa ng rolling bush. Hahaha. Pero hindi ako bitter sa mga meron (weh?haha). Kinikilig pa nga ako para sa mga taong merong “pagibig”. Yun nga lang , ang daming gastos pag araw ng mga puso. Yumayaman mga taga Dangwa. Kahit mga convenience store na nagtitinda ng ferrero, kitkat, cadbury at kung ano ano pang chocolate. Kawawa ang mga estudyanteng may “minmahal”. Ilang linggo nga ba ang hindi nila kinain o nilaro ng dota para makaipon ng pera para makabili lang ng bulaklak na malalanta din, chocolate na mauubos din o fancy dinner na hindi ka rin nabusog dahil pa-sosyal kumain? Kelangan nga ba talangang maging “magastos” ang araw na to? Kelangan pa ba talaga gumastos? Just a thought.
Well hindi ko kasi talaga alam kung pano nga ba tumatakbo ang araw na to para sa mga taong may minamahal. Because I never had one. Pero kahit hindi ko pa nararanasan yun, nakikita ko sa ibang tao. Hindi ko nga lang nararamdaman. Alam mo yun? Haha. Nakikita mo sa ibang tao, pero hindi ka makarelate dahil hindi mo alam yung pakiramdam. Ikaw na nagbabasa, naiintindihan mo naman yung gusto ko ipahiwatig diba? haha.
Pero, kahit sinasabi kong hindi ko pa alam yung pakiramdam ng ganun, I somehow felt something close to that “feeling” last year.
Last year na siguro yung pinaka-kilig (so far) na valentine’s day. I got this text message from 14. tapos binigyan ako ng rose ng crush ko (well, kinda crush lang naman) —-actually buong klase binigyan naman ng “org” nila. Kinilig lang ako kasi yung crush ko nag-abot sakin. Hahahahaha. Babaw no? haha. Tapos last year din siguro yung tingin ko pinakamatapang na ginawa ko. Ang bigyan ng chocolate si 14. HAHAHAHAHAHA. Oo na. ganun ako kababaw. Hahaha.
Sabi ni Tata, sana daw makahanap ako ng taong makakausap ko ng may sense. Masarap daw kasi sa pakiramdam. Ihahanap nya daw ako. Sagot ko nalang.
“Ta, hindi hinahanap yan. Kusang dumadating. Malay mo nasa tabi ko lang. Hindi ko lang nakikita. Deep. hahaha”
I wont deny. Oo, hinihiling ko at dinadasal ko na sana makahanap na ako ng ganun. Pero hindi ko minamadali. Syempre, sino ba naman ang ayaw ng kinikilig kilig diba?
Mas excited pa nga mga nakapligid sakin. Hahaha. But for now, tulad ng sabi sa kanta ni Natasha Bedingfield,
I’m not saying I don’t want to fall in love ”cause I would
I’m not gonna get hooked up just ”cause you say I should
(Can’t romance on demand)
I’m gonna wait so I’m sorry if you misunderstoodThis is my current single status
My declaration of independence
There’s no way I’m tradin’ places
Right now a star’s in the ascendant
I’m single
(Right now)
That’s how I want to be
I’m single
(Right now)
That’s how I want to be