Hindi ko inaasahang maraming mangyayari ngayong araw. Sa totoo lang, rollercoaster ride ang araw na to. Nabasa. Natulog. Kumain. Umiyak. Naulanan. Bumiyahe ng malayo. Kumain ulit.
Gigising dapat ako ng 3am para magreview para sa LongQuiz sa Med. Kaso nakatulog ulit ako, kaya 5 na ako nagising. Syempre nagmadali nanaman ako. Sa kakamadali ko, hindi ko naayos yung baon kong tubig. Ayun, pagsakay na pagsakay ko, natapon. Nagulat nalang ako may tumutulo. Basang basa gamit ko sa loob. Nasa loob ako ng jeep,nilalabas ko mga laman ng gamit ko. Nakakahiya diba? Haha.
Pagdating sa school, late nanaman ako. Grand entrance nanaman. Hindi ka pa makapagreview para sa exam dahil kelangan mo makinig dahil may quiz din pagkatapos ng lecture. Labo no?
Saktong 10am sumisilip na si Doc Guzman. Mageexam na. Wala man lang kahit 30 mins na review pa. Syempre ang huling maririnig mo nanaman. “5 minutes left.” Perfect. Shade to the max. Tsk. Wala nanaman kasi akong relo.
At eto na ang unang nakapagpasaya ng araw ko. Tinext ako ni Tata. Sabay kami maglunch. Balik college days. Kwentuhan. Faust. Grilled Porkchop. 1 1/2 rice. Kaya kahit papano, pagkatapos ng exam, naging masaya din ako :D
At dahil 30 minutes lang din halos ang break ni Tata, bumalik na din sya agad sa RedCross. At nakatanggap naman ako ng text galing sa “classmates” ko. Punta daw ako sa Wok Inn sa may Malate. Balak ko magdessert nalang. Pagdating ko dun. Kanin-Ulam sa isang chinese restaurant ang inabutan ko. At dahil hinintay naman nila ako. Kumain ulit ako. Hahaha. At first time ko makakain ng Sea Cucumber! :D

(Parang ganito dun itsura nun, though more one seafood talaga ang kasama nya.)
Matagal na ako nakakita ng Sea cucumber. Tinuturo din sya nung bio days. Nakakadiri sya sa totoo lang. Mukhang tae na linta. Haha. Sorry for the term pero ganun talaga itsura nya. Kahit preserved specimen sa school, mukhang tae talaga. Pero pag sa chinese cuisine, para syang “twalya” ng kare-kare. Si Grace kasi! Nilagay sa pinggan ko. Haha. Narinig ko pa tinanong ni Shelyn si Maine.
Shelyn: Maine, ayaw mo ba nyan? (referring to the dumpling) Kay Hannah nalang
Parang ang dating tuloy sakin, yung mga hindi nila kinakain, sakin mapupunta. hahahaha. Pati nga tirang kanin ni Shelyn ako kumakain. Haha. Teka, parang ganitong ganito si Rox dati ah. haha. I love you Rox :D
Pagkatapos ko kumain ng dalawang lunch, (oo na. gluttony na.) pumunta na ako ng OM para sa surgery class. Magbibigay daw ng grade. Sa totoo lang kinabahan ako. At kanina, naulit yung nangyari nung Physio last year. Naiyak ako sa grade. Milagro kasi talaga kelangan ko this time. Sa apat na subject pa. Hindi ko iniiyakan ang grade hangga’t alam kong kaya ko pa bawiin, pero nagcocompute ako kanina. I need at least 90 per subject this shifting para pumasa. Where on earth am I going to get that 90 from?! Kahit nga pinakamatalino samin, 85-88 lang ang nakukuha.
Hindi ko na napigilan kanina sarili ko. Naiyak na talaga ko. Tinext ko na si ate Bern, ate Mayi, si Maine at si Tata. Naiyak nanaman ako sa text ni tata. Positive naman akong tao. Pero minsan umaabot din sa point na ganito. Yung hindi ko na din alam ang gagawin. At tipong wala kang makausap. So lugmok ang drama ko kanina. Umuulan pa. Kadiri nanaman tuloy sa pakiramdam ang feeling. Konek no?
At dahil nakalimutan ni ate yung bag ni kuya alvin sa bahay kahapon, dinala ko pa sa Greenhills. Buti nalang kasama ko si Kaj at may nakasama ako sa adventure ko.
Ang hirap sumakay ng bus. Umuulan na, nakatayo ka pa sa bus. Perfect!
At dahil nagmamadali na ate ko, binigyan niya nalang ako ng pera pang Happy Lemon. Oo na. Ako na loser. First time ko sa Happy Lemon kanina. Haha. At dahil nacurious ako sa rock salt something, tinry ko.

(Photo credits: Google) haha

This is what I ordered. Cocoa with Rock Salt and Cheese. Maalat sa umpisa (malamang), pero lasang sustagen sa dulo. :D
At dahil gutom na rin kami ni Kaji, kumain kami sa Chicken BonChon. Oo. First time ko din dun.

Chicken Wings inorder ko. Syempre. Happy Food dapat para sa malungkot na tao. Haha
At dahil bago kami napunta sa Happy Lemon, may nadaanan akong pastry shop, pinasok ko muna. HEAVEN! May french macaroon sa loob! Hahaha. Naexcite ako. Lol. Kaya ayun, bago kami umuwi,binalikan ko. Haha.

Ganito yung sa pastry shop (Bizu) kanina. Pangarap ko lang to dati. Hahaha. Lagi ko nga kasi nakikita sa tumblr. Nacurious tuloy ako sa lasa. Ayun. Kaya kahit Php45, ang isa bumili ako ng tatlo. Rose, Lemon and Mango. Pareho din nung pic sa taas :D Sa lasa naman, lasang meringue (read as meh-rang! hahaha).
Kaya overall, naging bonggang foodtrip ang araw na to. Dahil sobrang nalugmok ako sa grades ko na tipong mismong prof sinsabi na delikado na ako at idrop ko na, andami ko tuloy gastos ngayon. Haha.
I therefore conclude that food makes ME HAPPY! :D Butas man bulsa ko, napasaya naman ako ng mga pagkain na first time ko natikman :D
(will post actual pictures after kaj uploads everything.haha)
Thanks Kaj :)