Tuesday. Another Med Wards. Actually, last for this school year.
Neuro Patient. Syempre itatanong nyan sigurado, “Where’s the lesion?” At isang kalokohan ang pumasok sa utak ko. Yung sa twitter ng medstudentPH, “Here sir” (Sabay turo sa ulo)
Nung nalaman ko palang na Doc Bautista preceptor namin, inumpisahan ko namagpractice ng neuro exam. Alam ko naman na kasing nagpapa-isa-isa sya. Siya ang epitome ng TOXIC. Epitome ng DEATH ROW sa MED. Paag siya kaharap mo, feeling mo wala ka nang alam. Para syang si Dr. House. Oo. Magaling siya, kaya sooooobra kang manliliit.
Kanina, pagpasok nya, yung kabog ng dibdib ko, SOBRA. Alam mo yung parang lalabas sya at mawawalan nalang ako ng malay. Tapos nung pinapila na nya kami, HALA. ALAM NA. DEATH ROW. Parang KILL ME NOW. Yan lang maiisip mo. Rona-Rosales-Rosaura-Roxas-RUBIO-Rugay-Ruiz. WAAAAAA!!
Dr. Bautista: HPI (Nakita nya yung mga hawak naming papel—mga notes namin, pero habang sinisigaw to, nakaharap sya sakin) What is that?! Throw that out of the window! You know what?! THAT’S STUPID! Sino senyo nanonood ng Grey’s Anatomy, House? San kayo nakakita ng Doktor na may hawak na papel? Wala diba? If you’re going to have that, better quit now, because you’ll be doing this for the rest of your life!! You should have memorized everything!! Ok, again, HPI.
Rona: (may sagot sya kaso sagot lang ni Doc, “I dont like your history”
Rosales: (may sagot din sya, kaso ayaw parin ulit ni Doc)
Rosaura: (eto maayos ang sagot. kami kasi magkasama sa HPI. Kaso hindi nya natuloy ng maayos. Hindi kasi chronologic)
Roxas: (may sagot din, kaso ayaw din ni Doc)
RUBIO: (Bago pa dumating sakin, inayos ko na sasabihin ko. Dahil ako nga ang may alam ng HPI, syempre dapat masabi ko ng tama. maayos na sa utak ko lahat.) “5 days PTA…..”(oh shit. nawala lahat. naglaho lahat nung inisip ko. shit. ulit. ulit.)….“5 days PTA….”
Dr. Bautista: Ok, you Rugay, HPI.
Me: “WTF!!!!Yun lang nasabi ko!!!!! Bakit siya lumipat agad?!?”
Pagkatapos sakin, parang hindi ko na narinig yung sa sunod. Tapos parang gusto ko lamunin ako ng lupa sa kahihiyan. Hindi ako nakapagsalita. Yung kaba ko, ibang level. Tapos kung may tumitingin sakin, malamang nakita nya ang super obvious na panginginig ng mga kamay ko. Akala mo kinukumbulsyon sa kaba.
Sunod nyang tinanong ang kinatatakutan kong tanong, “Where’s the lesion?” Parang ako, “WTF, seryoso, hindi ko alam.” Kaya dahil hindi ko alam, kinopya ko lang sagot nung mga nauna sakin. Tapos pina-isa-isa nya kaming PE sa patient.At dahil nahalata ni Doc na wala kaming alam at hindi talaga ready, pinalabas nya kami ng ward at doon pinagalitan sa hallway.
Dr. Bautista: I’m very disappointed! So you entered my class yet you’re not prepared. Hindi ninyo alam ang ginagawa ninyo eh. Pano mo ako bibigyan ng magandang history? Pati PE? Pati Mini-Mental Exam?(referring to me kasi sa akin nya pinagawa to) You will never pass my subject!! Anong gagawin nyo?! Cut and paste sa dating history? Hindi pwedeng ganun sa akin! Kung anong nakita at ginawa, yun ang dapat ilagay! So anong gagawin nyo ngayon? STEP UP!! Get your book. READ! Balikan nyo patient pagkatapos at gawin nyo ng tama! I’m done with you! (sabay alis)
Habang sinisigaw nya yun, lalo ako nahiya kasi dumadaan mga residente, clerks at yung classmates namin. Tapos eto pa, may POGING RESIDENTE! Hahahaha. Grabe. Oo, pinapagalitan na kami pero napapatingin talaga ako sakanya. Hahahahaahaha. MATIAS ang surname eh.:p
Pero seriously, ang bigat nung mga sinabi nya sa amin. “If you’re going to have that, better quit now, because you’ll be doing this for the rest of your life!! You should have memorized everything!!”
Ang bigat. SOBRA. Natakot ako. Nahiya. Nanliit. Bigla ko naisip, hindi sapat na makausad ako sa 3rd year. Nahiya ako na umabot ako ng 2nd year na sa totoo lang, ang konti ng naretain sa mga pinag-aralan ko ng 1st year. Pag may nagtanong nga sa akin na 1st year, natatakot ako na baka hindi ko masagot. Nakakahiya din.
Oo, hindi ko napapasa yung mga exam ko. Pero gusto ko din na kahit hindi ko sila mapasa, may matutunan ako pagkatapos. Kaya siguro kung uulitin ko ang 2nd year, iisipin ko pa blessing yun. Kasi mas magkakaroon ako ng panahon para aralin ng maigi yung mga bagay na kelangan alam ko bilang doktor. Kasi para kanino nga ba ako nag-aaral? Bakit nga ba ako nag-aaral? Para ba pumasa? Syempre kasali na yun. Pero higit na mahalaga yung MAY MATUTUNAN AKO PARA SA MGA PASYENTE KO.
It may be an additional burden for my family, since dagdag gastos ang isa pang taon sa med. Pero hindi ba mas burden kung makakatapos nga ako on time pero wala naman naretain sa mga pinag-aralan ko? Sa ganun, parang iisipin ko pa na nasayang yung tuition fee na pinaghihirapan nila mama and papa.
I’m not saying that I’m 100% sure that I’ll be repeating second year. Syempre gusto ko parin mapasa yung 2nd year ng madaming natutunan. But, if it’s God’s will, then so be it. Alam kong hindi magiging madali para sakin yun. Mahihiya ako sa mga batchmates ko. Nonetheless, I would take everything positively. That’s just how I am. :)
I quote ko lang yung sinend ni Aiko kaninang umaga
“Everyone will make mistakes in medicine. It is hard to get over, but it does get better. Don’t be too hard on yourself, you are human”
Right after nung nangyari kanina, naisip ko talagang maging mahigpit sa sarili ko. Naisip ko pang tigilan ang pagsusulat sa tumblr. Pero naisip ko, isa to sa mga bagay na nagtatanggal ng stress ko. Dito, narerelease ko ang nararamdaman ko. Oo, mababawasan ang oras ko dito, dahil kelangan ko mag-aral ng BONGGA, pero hindi ko ihihinto. Muli, that’s just how I am. :)