Install this theme
“Dreaming” the Bad Vibes Away

Dahil sa stressful week na nagdaan dahil sa exams at dahil sa init ng ulo ko sa dalawang orgmate ko, I decided to look for something to watch to divert my attention.

Guest ngayon sa Bottomline si Coach Rio, and weeks ago, nakikita ko na yung link ng wedding proposal nya, but I did not bother to watch it. Bakit? Kasi kilala ko sarili ko. Alam kong pag pinanood ko yun, aasa nanaman ako. Hahahaha. Sino nga ba ang ayaw ng nakakaihi sa kilig na proposal? Kahit hindi ko personal na kilala ‘tong mga taong to, naiiyak ako sa saya para sakanila. :’)

Pero bago ko pa mapanood yung proposal ni Coach Rio, 2nd year college palang, may clear plan na sa utak ko ng gusto kong proposal. Oo, wala pa akong “better-half” na tinatawag nila. Kahit nga yung “getting there”, wala din. Pero wala naman sigurong masama kung may “dream wedding proposal” ako sa isip ko diba? Parang “dream date” lang yan, tama ba ako? :D

Sa tatlong tao ko lang kinuwento ang pangarap ko na to. Kay Leng, Jaggy, at Rox. Now pati followers ko malalaman na. Hahaha. Pag nakilala nyo “sya”, bigyan nyo nalang ng tip ah. Hahaha.

Kelangan ng imagination dito. :D

Isipin nyo ang kanta ng Silent Sanctuary na “Ikaw Lamang”. Siguro dahil sa may cello at violin tong banda na to, mas lalong gumanda tugtog nila. Anyway, yung intro ay cello lang na tumutugtog, tapos madilim yung buong lugar. Maganda kung dinala dun ng hindi alam. MAS MAGANDA kung yung lugar ay kung saan unang nagkita. :)

Pag nagumpisa na kumanta si Sarkie, liliwanag paunti-unti yung lugar, may isang puno na puro ilaw (I’m a sucker for lights), at yun lang ang iilaw.

Pagdating sa part ng kanta na “sa lahaaaaaaaat, ng aking ginagawa, ikaw lamang…), liliwanag na yung lugar kung asan yung photo exhibit at videos (I know this sounds lame pero sweet padin). :p

Pagdating sa chorus, tsaka iilawan ang buong banda. 

Pagdating sa mahabang instrumental part (na fave part ko), dim lights ulit. Pag may solo ang band members sa instrumental part, sakanila lang spot light. 

Ten counts bago mag last chorus (oo, bilang ko yan. hahahaha), 10 lights din ang iilaw kasabay papunta sa isang stage. Pag last chorus, si GUY na ang kakanta at sakanya na nakafocus ang spotlight. 

Pagktapos ng kanta, tsaka niya itatanong yung tanong. Kapag umoo na, tsaka magkakaroon ng fireworks. :D

Cheesy? Lol. May kanya-kanya tayong ka-cheesy-han sa katawan diba? Haha.

Masyado bang maaga? Oh well, kung hindi man saakin mangyari yan, magiging sobrang saya ko na na makita mangyari to sa isa sa mga kaibigan ko. :)

Hindi ako nagmamadali. Hindi din ako naghahanap. At lalong wala akong pinariringgan. Gusto ko lang maisulat to para mabasa ulit pagdating ng panahon. Dahil sabi nga nila ”The best things happen to people who wait”. Who knows? After 5-8 years, yung “dream” maging “reality”. :)

 
  1. tobeli posted this