Muli, ako’y mageemo at aalalahanin ang dati. :D
Dahil naiwan ni Grace yung pencil case nya, bumalik pa kami ng school. At dahil ngayon lang ulit kami ni Maine naghintay sa may lobby, may namiss lang kami. Yung mga eksenang tulad ng nasa malaking picture.
“Asan na ba yun? Itext mo na nga si Jorrel/Rox”
“Ang tagal ah. Tinutubuan na ako ng ugat.”
Yung inaabot kami ng halos isang oras sa paghihintay dahil sa dami ng stop-over nila. Yung kahit hindi naman sabay sabay uuwi, naghihintayan parin. Pati kaninang exam, naaalala ko yung “cheating moments”. Hahahaha. Hindi na pwede ngayon med yun ganun, pero epic talaga si GR sa mga ganun. Anyone would agree with me. Hahahaha.
Nga pala, may second floor na ang Manila Bulletin Canteen, sarado na ang Mags, 27 na ang dating kinse. Ganun na ba katagal mula nung puntahan at gawin ko ang mga to?
Sana dumami ulit tayo sa upuan na yan. Nakakalungkot din na kami lang dalawa ni Maine (na nakaaway ko nung isang araw lang, pero kinabukasan bati na rin kami. Haha).