Install this theme

(Yung unang picture ang tingin kong pinaka-totoo nyang ngiti. Haha. Ang hirap hanapin nyan ah! Lol. Aminado naman siyang hindi siya marunong ngumiti sa camera. Waha. At yung huling pic ang natatanging picture naming dalawa. Hahahaha)

Inagahan ko na ang paggawa nito kasi baka hindi ako makagawa sa sunod sunod na exam. :D

Pano ko nga ba uumpisahan to? Hahaha. 

Sa halos four years na magkaibigan kami, siya lang ang taong hindi ko pa binibigyan ng sulat. Hahaha. Naaalala ko kasi sabi niya dati, nacocorny-han sya sa sulat. Nonetheless, blog naman to kaya exempted naman ata. Haha.

Nung una ko syang makita, Rhetoric class 2nd year college. Nagrecite si kuya. 

Sa isip ko: “Ay parang si James (Alcantara from BS Chem).” Tapos nung nagsalita na sya, “in fairness kay kuya, magaling mag-english”.

As in yan lang ang alam ko sakanya. Maputi si kuya, mayaman, magaling mag-english at laging kasama si Pau. Haha. Who knew he was more than that?

Dahil iba ang friends nya sa friends ko, hindi ko inasahan na magiging close kami. Pero akalain mong dahil sa pagsama ni papa Joe sa kanila sa pagdodota, nakasama na din kami ni Leng sakanila. Kaya hindi ako naniniwala na kasamaan lang dulot ng dota. Haha. Anyway, ang post na to ay lahat papuri at pasasalamat lang sakanya. :D

Marami akong natutunan sakanya: 

—hindi basehan ng pagkakaibigan ang length ng pinagsamahan.

—ang tunay na kaibigan, tanggap ka kung ano ka man at kahit anong pagbabago sayo

—natutunan kong appreciate kung anong meron ako.  Pamilya. Kaibigan.

—natuto akong maging patient. Haha. Pag kaibigan mo kasi sya, dapat sanay kang hintayin sya ng sobrang tagal. Sa dami ba naman ng stop overs nya? Hahahaha 

—hindi lahat ng poging may kasamang girlfriend, lalaki. haha

—alam ko na yung mga lugar kung saan tumatambay ang mga naghahanap ng “booking” at napuntahan ko na.

—yung mga sikretong lagusan sa quiapo. lol

—natutunan ko ding nakakalaki pala talaga ng gastrocnemius ang madalas na paglalakad ng malayo. hahahaha

O diba? Ang dami kong natutunan sakanya. Hahaha. 

Marami din akong pinagpapasalamat sakanya:

—nung sinama nya kami ni Leng sa birthday celebration nya sa EK. Hindi ko makakalimutan yun kasi first time ko yun dun at first time ko makasama ang majority ng BRADS dun

—yung sa Bulacan. Unang beses na pinayagan ako nina mama sa “malayo” (oo, malayo na ang Bulacan para sa kanila noon. Hahaha)

—yung pang-bibitch out nya kina Chacha, Wine at Dulce. Oo, inaway nya ang mga babaeng to para sa akin. Hahahaha. Yung mga panahong hindi ko kayang magsalita sa mga taong to at feeling ko inapi nila ako. Haha. 

—yung mga pagkakataon na badtrip ako, malungkot o kung ano man, alam kong pinipilit nyang i-lift yung mood ko. Minsan magpapatugtog sya ng kikay songs. Minsan uumpisahan nya yung laro namin na magsasabi sya ng lyrics ng kanta at sasabihin ko yung title. Kahit minsan nakakainis yun, nadidivert attention ko kaya nawawala init ng ulo ko.

—yung paghintay nya sakin nung gumawa ako ng thesis ko. sobrang pagod na ako nun, pero sinabayan nya parin ako umuwi at hindi ko inaasahang ililibre nya ako ng pagkain! haha. pagbalik nya, may kfc na syang dala. akala ko nga pababayaran nya sakin. lol

—Yung mga material gifts nya. Unang regalo nya sakin yung magic 8 ball, yung hamsters at yung polaroid cam. 2011 birthday ko lang sya pumalya at walang regalo. Hahaha. pero bumawi naman sa payong na kikay. Hihi. Pangarap ko yung polaroid, tinupad mo! haha. Hindi ko nga lang magamit ngayon dahil wala akong film. lol

—yung occasional “libre” nya samin dahil sa “kick back”. haha

—yung mga kaibigan na nakilala ko dahil sakanya. Isa lang si Joven sa mga yun. :)

—yung pagsama nya sa mga masama-ang-loob-ko-ice-cream-bonding namin

—yung mga text nyang nakakapagpagaan talaga ng loob. Akala nyo puro lait lang alam nya no? Hahaha.

—yung time na wala kaming nagawa nina Leng at Tata at napasayaw nya kami sa harap ng buong PLM. Hahahaha. Sa totoo lang, pinangarap ko talaga sumayaw on-stage. LOL. Alam ni Leng yan. Isa nanamang pangarap ko na tinupad mo ng hindi sinasadya. haha.

—yung hindi mabilang na beses na sabay kami umuwi. at dahil may kasabay ako umuwi, kahit late na, kampante parin ako.

—yung paghingi nya ng SORRY nung nasa IRRI kami. I know it was not easy for him.

—yung tiwala nya sa akin. Alam ko ding hindi madali sayo magsabi ng mga bagay-bagay at magbukas ng sarili mo.

—yung friendship. Hindi ko bibilangin yung taon. Hindi mo rin naman kasi matatakasan ang BRADS :p

…..

Balikan ko yung sinulat ko kanina sa taas.

As in yan lang ang alam ko sakanya. Maputi si kuya, mayaman, magaling mag-english at laging kasama si Pau. Haha. Who knew he was more than that?

Kami alam naming higit pa sya kung anong nakikita ng iba sakanya. Ako, alam kong higit pa sya sa kung anong pinapakita nya sa iba. 

Siya yung taong kelangan mo kilalanin ng maigi para maintindihan mo. Wala syang pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sakanya. Handa syang awayin ang ibang tao para sa isang kaibigan. Sya yung taong hindi tinitingnan kung ano yung kakulangan nya. Sya yung taong marunong din magpahalaga sa mga taong pinapahalagahan din sya. Sya yung taong mahal ang mga kaibigan nya. At alam kong alam nyang ganun din kami sakanya. :)

Namimiiss ko umuwi, manood ng movies, mamili ng dibidi, magcram sa exam, makinig sa kikay songs, mangisda, makipagkwentuhan at kung ano ano pa kasama siya. I miss you Jorrel! 

Happy Birthday Jorrel! :-*

(Patawad kung wala parin akong regalo. Haha. ang hirap kasi talaga mag-isip ng ibibigay sayo. GANDA lang kaya ko ibigay eh. Hahaha.) 

 
  1. nenenen said: sa dami ng gusto ko i-react, eto na lang muna….wtf han gusto mo pla talaga sumayaw nun! wtf! wahahahahaha very well said. we love u jorrel!
  2. tobeli posted this