Sinayang ko nga ba ang oras ko kagabi sa pag-iisip kung magpapagupit ako o magpapa digiperm? LOL. Laki ng dilemma ko. Kasing laki ng upcoming two toxic weeks. Hahahaha. Ang random ulit. Yung dapat kong gawin hindi ko pa nagagawa. Walong viruses na kelangan aralin, gabundok na picutres na kelangan aralin at idrawing, at kelangan pa makipagtuos kay Robbins. Pero hanggang ngayon wala pa ako nagagawa. Inuna ko pa to. Procrastination at its finest. AGAIN. Baka nga naman pagkatapos ko isulat to, sipagin na ako. Malay mo, diba?
Dapat noon ko pa sinulat to. Tinatamad lang ako noon. At hanggang ngayon tinatamad ako. Dahil nga ba hindi ko inumpisahan ng tama ang taon? Patawad. Tinatamad talaga ako. 90/60 na BP. Gusto ko nalang matulog.
Palimos ng tulog. Hindi naman ako gutom. Tinatamad lang talaga ako. Dagdagan mo pa ng malamig na panahon dahil sa ulan. @!$@#%$#. I just want to sleep.
Kahit pagpasok, tinatamad ako. Narinig ko yung isang 1st year na orgmate ko.
“Bakit ko sasayanin yung pagkakataong binigay sakin na makapag-aral?”
Ok. He/She is waaaaay older than me. At talaga namang dapat ganun na sya mag-isip. Nung marinig ko yun, tinamaan din naman ako. Pero ganun na nga ba ako katigas, dahil hindi parin talaga ako nagkaron ng kahit KONTING kasipagan? Kinabukasan, wala parin. Wala parin akong naaaccomplish. Kahit saang aspeto tinatamad ako. Alam ko masama ito. Patawad ulit. Sana bukas, kahit mamayang gabi, may matapos ako.
Siguro nga kelangan ko ng inspirasyon. Siguro lang naman. Malay mo sipagin ako bigla. LOL.
Aaaaah! Katamaran, lisanin mo ako.