Hindi ako “org person” nung college. Lagi akong kaibigan lang ng org person na kaibigan ko. Pero nung nag med ako, nakilala ko ang iba’t ibang org sa College of Medicine. Kilala ko na yung iba nung undergrad palang, pero mas nakilala ko sila nung nag med ako. At lahat kaming Ka-Bio, napagusapan na sasali sa isang org lang. LiKaS. Lingap para sa Kalusugan ng Sambayanan.
Nung orientation nga, dahil wala kami upuan at hirap makinig sa likod, tuwing may magsasalita, tsaka lang kami tatayo. Nung LiKaS na, si Ate Christel ang nagsalita. Sa totoo lang, isa sya sa dahilan kung bakit din kami nagLiKaS. Hahahaha. Ang “light” kasi ng pakiramdam. Parang cool lang. Walang pressure.
Nung una, akala ko, org org lang. Saktong may grupo ka lang. Masabing “I belong”. Pero unti-unti, napapamahal na sakin yung org. Naaalala ko nung interview namin, sa isang rooftop somewhere along Malate. Ang pinakanaaalala ko na mukha, si Ate Bai, Ate Christel at Kuya Roman. Hawak nila yung application form namin. Kinakabahan pa ako. Tinanong ako ni Kuya Roman, “Anong mabibigay mo para sa LiKaS?” Ang sagot ko sa pagkakatanda ko, “time” at kahit anong tulong na kelangan nila at kaya ko, ibibigay ko. At naaalala ko yung isa pang tanong nila, yung tungkol sa pagiging RESPONSIBLE at COMMITTED. Yung sagot ko dun, “kelangan po pareho. kasi kapag committed ang isang tao, responsible na din sya”. Malinaw sakin lahat ng nangyari nung araw na yun, yung mga pangungulit ni Ate Christel, nung tumango si Kuya Roman sa sagot ko. Madalang ako makatanda ng mga acad thingy, pero sa mga pagkakatanong ganito, sobrang photographic ng memory ko. Nung time na yun, alam mo yung feeling na nakilala ka ng higher years at kahit papano nakilala mo din sila. Kahit yung batch presentation para sa acquaintance party, pinaghandaan namin yun. Haha. Nagpractice pa kami. It was the one and only LiKaS activity na naattendan ni Rox. Kaya memorable din sakin.
Dati, sa meetings, pinipilit ko makarating, kasi nakakahiya na pag nagcheck ng attendance, wala ako dun. Pero nung mga sumunod, ang ipupunta mo na yung masayang kwentuhan at kulitan. Kasi sa totoo lang, ang sinasabing “GA”, 60% kulitan kesa sa meeting. Hahaha. Kaya umuuwi kami laging nagtatawanan. Masaya. Kahit gabi na natatapos, masaya kami.
Pag nagtatrabaho para sa Mr. and Ms. Med, toxic. Oo, seryoso. Pero hindi ko alam kung bakit inaabangan ko padin yun. Haha. Para sakin kasi nagiging bonding yun ng mga tao sa loob ng isang committee. Kahit sabihin pang nagpipintura kayo, nagpupukpok ng kung ano man, nag gugupit ng ticket, nagbubuhat ng mga kahoy, tumatakbo para sa mga letters, lahat yun nagiging bonding moment. Cheesy pero pagkatapos ng Mr. and Ms. Med, marami kang magiging bagong kaibigan. Nakakapagod magtrabaho, pero MASAYA.
Sa mga tuli missions, kahit madaling araw pa yan, may LiKaS parin na babangon at pupunta sa kung saan mang probinsya. Tipong sa daan nalang nagaalmusal o pag may nadaanan na Jollibee. Haha. At minsan sa dami ng bata na tutuliin, idadaan nalang sa pagkanta.
Higit pa sa training ang ginawa ng LiKaS para sa akin. Natuto ako magtuli. Natuto ako humarap at makiusap sa iba’t ibang uri ng tao. Nahasa yung leadership skills ko sa pagiging treasurer ng isang taon at president sa kahit maiksing panahon. Pero higit sa lahat, dito nakilala ko yung mga taong naging malapit sakin. In their own ways natulungan ako, both academically, emotionally, pati physically. Hahaha.

Ate Christel. Effortless pag nagpapatawa ka. Minsan hindi ka na nagpapatawa pero napapatawa mo parin kami. Haha. Salamat kasi isa ka sa nasa OR nung inooperahan yung pamangkin ko. Kahit papano, at ease ako nun.
Ate Bai. Salamat sa pagtututor nyo samin sa physio dati. Hanggang ngayon naaalala ko yung table na pina-memorize mo samin. Haha
Kuya Roman. Salamat sa pagtututor nung physio days. Salamat din sa tiwala nyo. Lahat nung sinabi nyo sakin, tatandaan ko. :)

Sa Execomm 2011-2012, it was nice working with you. Mamimiss ko kayo.
Ate Mayi. Ikaw na bilib na bilib sa fashion sense ko. Haha. Salamat sa madaming kwento. Salamat sa tiwala. Lagi mo sinasabi sakin pag may bagay na kelangan ng desisyon, “it’s your call”. Salamat. Wag ka mag-alala, isa ka sa unang makakaalam pag “umibig” na ako. Haha. Aasahan ko ang paparty at pag-absent mo sa duty! Hahahaha.
Ate Phomy, salamat sa pangangamusta mo sakin madalas. <3 <3 <3

Kuya Oneng, walang dull moment pag kasama kayo ni Jepay. Haha. Nakakatuwa kasi nung magkasama tayo sa trinoma, nagkakasundo tayo pag may pogi. Hahaha.
Jepay. Nung nalaman ko na wala ka sa list, isa ako sa sobrang nalungkot. Pero nung malaman ko na ok na lahat, kahit sa mismong araw na nalaman kong bagsak ako sa med, sobrang saya ko. Hindi ko inaasahan na yung poging bading na tinitingnan ko sa malayo dati nung undergrad ako, magiging close ko. Haha. Salamat Jepay. :)

Mimi, gulat ka no? Haha. Kasali ka dito. (Mababasa mo kaya to? Haha). Salamat Mimi. Ikaw ang isa sa sooooobrang nastress ko nung Mr and Ms Med.At ikaw tong kumakalma sakin. Salamat. Ikaw ang nagiisang mimi inang reyna para sakin. :D

Helaine. Wag mo itutuloy yung sabi mo dati pag umalis ako ah! Alam kong sapat na nasa tabi ka lagi ng execomm. Salamat, san. :)

Ate Bern. Hindi pa kita nabibili ng popcorn. Haha. Salamat sa lahat ng tulong. Kahit bakasyon mo at yun lang ang bakasyon mo bago magclerkship, sinamahan mo parin kami ni maine magreview. Tinuruan mo parin kami. Kulang ang thank you para sa ginawa mo samin. Pero SALAMAT ate bern. Higit pa sa pagiging ate sa org ang pinaramdam mo sakin. You’re like a real sister to me. Salamat ate.

Kaji. Ang taong never nasstress. Haha. Salamat kasi lagi kang anjan. I’ll see you soon Kaj. Grape picking? :))




Maine. Madam. Close na tayo kahit hindi pa nagmemed. Pero dito, MAS naging CLOSE tayo. Diba nga sabi ko sayo, pag yung tao, nasusungitan ko na, at ease na ako sakanya. Haha. Sorry kung sa tingin mo masyado ko naaraw-araw yung pagsusungit ko sayo. Haha. Tntrain lang kita. Chos. Haha. Alam ko umiiyak ka habang binabasa to. WAG! Haha. Mas naiiyak ako pag nakikita kita umiiyak. Sorry na kelangan kita iwan dyan. Pero alam mo naman na madali lang ako itxt o tawagan pag kelangan mo ng tulong diba?
Sa totoo lang, magaan na sakin yung pag-alis. Pero kanina nung umiyak si Maine at habang nagaayos ako ng mga iiwan sa LiKaS, mas nalungkot ako. Mas nalulungkot akong iwan ‘tong mga taong to. They’re not just my orgmates. These people are already a big part of my life. Salamat LiKaS.
*Sumakto ang pag queue ko sa post na to. Parang alam ko na talaga kung anong mangyayari.